Nag-iisang Guro sa Aking Puso
Sa t'wing maririnig, pangalang G. Timbal
dal'wang bagay lang ang ating maiisip
siya'y nag-iisa at walang kakambal
na tal'gang totoo kahit sa panaginip
Anino pa lang niya'y kinatatakutan
sa tuwing siya'y makikita kahit saan
ng may alam ng kanyang pangalan
lalo na ng kanyang tinuturuan
Sa pagpasok pa lamang niya sa pintuan,
lahat ng mag- aara'y kakabahan
at kapag siya'y nakita na sa harapan
siguradong wala nang magdadal-dalan
Istrikto man pagdating sa pagtuturo,
ikaw pa rin sa kanya'y matututo
'di lang sa araling kanyang ituturo,
maging sa payong ibibigay niya sa'yo
Sa guro na s'yang tumatak sa 'king puso,
lubos akong nagpapasalamat sayo,
'di po kayo mawawala sa isip ko
kahit lamang sa loob ng 'sang minuto
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento