Linggo, Oktubre 26, 2014

Masasabi sa katabi

                                               Pagpapakita ng Pagpapahalaga
     Sa tuwing tayo’y nagkakaroon ng problema sa paaralan at tayo’y nangangailangan ng tulong,isa sa mga maaari nating maasahan ay ang ating mga katbi at kung tayo’y kanilang tutulungan ang ibig sabihin niyan ay tayo’y mahalaga sa kanila.At maraming paraan upang malaman natin na tayo’y mahalaga sa kanila.
     Maari nating malaman na tayo’y mahalaga sa ating mga katabi kung binibigyan nila tayo ng mga impormasyon npatungkol sa mga kaganapan sa loob ng silid-aralan sa tuwing tayo’y wala sa mga oras o araw na iyon.
     Malalaman din natin kung tayo’y importante sa kanila kung tayo’y tinutulungan sa mga pagkakataong nakikita nila na tayo’y nahihirapan na o halos tayo’y  ‘di na makaraos  dahil para sa atin iyon ay mashirap na gawain.

     Hindi man nila tayo natutulungan sa lahat ng pagkakataon na tayo’y nangangailangan ng tulong ang mahalaga’y naipapakita nila na tayo’y mahalaga sa kanila at nagkukusang loob sila na tulungan tayo.At bilang sukli sa kanilang kagandahang loob naipinapakita sa atin ay nararapat lang na ipakita rin natin sa kanila na sila’y mahalaga sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento