Magtiwala sa Sarili
Sinasabing hindi kumpleto ang buhay ng tao kung hindi ito dumaan sa mga pagsubokdahil tinatayang ang mga pagsubok na nararanasan ng bawat isaay ang nagpapatatag at nagpapalakas hindi lang sa puso at loob nito kundi maging sa paninindigan at tiwala nito sa sarili.
Bawat araw na sa atin ay nagdaanay may kaakibat na na pagsubokkaya naman ay araw-araw din ay nahuhubog at nasusubok ang ating paninindigandahil sa mga pagsubok na ito.At ang mga desisyong atingginagawa ay ang nagiging dahilan kung kaya ay nalalagpasan natin ang mga ito.
Nguniy kung merong mga nakakalagpas sa mga pagsubok, meron din namang hindi at ang madalas na nangyayari at nararamdaman nitoay nawawalan ng pag-asalalo na kung akala nila aywala nang paraan upang malagpasannila ang mga pagsubok na ito.
Maaari rin naman na isa sa mga dahilan kung bakit halos nawawalan sila ng pag-as ay dahil sa mga tao na hindi pinapahalagahan ang kanilang mga kakayanan na gawin ang isang bagay.
Kahit ano pa man ang dahilan kung bakit bay mayroong hindi nakakalagpas sa mga pagsubok na sa atin ay ay ibinibigay, ang mahalaga ay gawin natin ito ng buong puso at ibigay natin ang lahat ng ating makakaya dahil hindi naman magbibigay ang Diyos ng pagsubok na hindi natin kayang lagpasan at huwag magpapaapekto sa mga hindi magagandang nangyayari dahil ito ay makakaapekto lamang sa mga susunod na pagsubok na darating sa atin.