Sa nagdaang linggo,ang unang linggo matapos ang ikatlong markahan,agad na tinalakay sa amin ni Gng. Mixto ang aming mga aralin,at kami nga ay iikot sa "Noli Me Tangere" ngayong ikaapat na markahan.
Dagdag pa ni Gng. Mixto, kami ay kinakailangang gumawa ng movie trailer at short film.Ito ay magiging produkto namin ngayong huling markahan.
Agad ding kaming binigyan ni Gng. Mixto ng panimulang pagtatayang pagsusulit.
malikhang pagsulat
Sabado, Enero 17, 2015
Linggo, Oktubre 26, 2014
Masasabi sa katabi
Sa tuwing tayo’y
nagkakaroon ng problema sa paaralan at tayo’y nangangailangan ng tulong,isa sa
mga maaari nating maasahan ay ang ating mga katbi at kung tayo’y kanilang
tutulungan ang ibig sabihin niyan ay tayo’y mahalaga sa kanila.At maraming paraan
upang malaman natin na tayo’y mahalaga sa kanila.
Maari nating
malaman na tayo’y mahalaga sa ating mga katabi kung binibigyan nila tayo ng mga
impormasyon npatungkol sa mga kaganapan sa loob ng silid-aralan sa tuwing tayo’y
wala sa mga oras o araw na iyon.
Malalaman din
natin kung tayo’y importante sa kanila kung tayo’y tinutulungan sa mga
pagkakataong nakikita nila na tayo’y nahihirapan na o halos tayo’y ‘di na makaraos dahil para sa atin iyon ay mashirap na
gawain.
Hindi man nila
tayo natutulungan sa lahat ng pagkakataon na tayo’y nangangailangan ng tulong
ang mahalaga’y naipapakita nila na tayo’y mahalaga sa kanila at nagkukusang
loob sila na tulungan tayo.At bilang sukli sa kanilang kagandahang loob
naipinapakita sa atin ay nararapat lang na ipakita rin natin sa kanila na sila’y
mahalaga sa atin.
Huwebes, Oktubre 23, 2014
Ponemang Suprasegmental
Ponemang Suprasegmental
Ponema- makabuluhang yunit ng tunog
Ponemang Suprasegmental- lumilinang sa paraan ng pagbigkas ng anumang salita.
1. Diin- Lakas o pagtaas ng tinig.
2. Tono- taas o baba ng tinig.
Halimbawa:
3. Antala- Saglit na paghinto upang mas lalong maintindihan ang sinasabi.
Halimbawa:
Pandiwang Paturol
Pandiwang paturol-ito ay pawang maga pandiwa na hindi lamang nagsasaad ng kilos kundi maging ang panahon kung kailan naganap o magaganap ang isang kilos.Ito rin ay nahahati sa apat na aspeto:
1.Perpektibo-nagsasaad na ang kilos ay naganap na o tapos na.
hal: Si G. Timbal ay itinanghal na Well-Loved Teacher ngayong taon.
2.Imperpektibo-nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap.
hal:Ang mga guro ay gumagawa ng grado ng kanilang mga estudyante.
3.Kontemplatibo-nagsasaad na ang kilos ay magaganap pa lang.
hal;Si Pangulong Aquino ay lilipad bukas patungong Hong Kong.
4.perpektibong katatapos lang-nagsasaad na ang kilos ay katatapos lang.
hal:Kakauwi pa lang ni Sarne mula sa eskwelahan.
1.Perpektibo-nagsasaad na ang kilos ay naganap na o tapos na.
hal: Si G. Timbal ay itinanghal na Well-Loved Teacher ngayong taon.
2.Imperpektibo-nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap.
hal:Ang mga guro ay gumagawa ng grado ng kanilang mga estudyante.
3.Kontemplatibo-nagsasaad na ang kilos ay magaganap pa lang.
hal;Si Pangulong Aquino ay lilipad bukas patungong Hong Kong.
4.perpektibong katatapos lang-nagsasaad na ang kilos ay katatapos lang.
hal:Kakauwi pa lang ni Sarne mula sa eskwelahan.
Sanaysay
Ang SANAYSAY ay isang salitang marami ang kahulugan. Ayon nga kay Alejandro G. Abadilla, ito ay “isang nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ang iba nama’y nagsasabi na na ito’y “isang tangka sa paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba’t-ibang sangay nito”. Ngunit kahit marami pa ang pakahulugan dito, isa lang ang malinaw sa ating lahat. Ito ay isang bahagi ng Panitikang Pilipino na nakatutulong sa atin na maipahag ang ating opinyon. Isang simpleng sulatin na pwedeng gumising sa mga tao tungkol sa isang particular na isyu sa atin ngayon.
Halimbawa ng Sanaysay:
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan. Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan. Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon. At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan. Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Modal
Ponemang Suprasegmental
Ponema- makabuluhang yunit ng tunog
Ponemang Suprasegmental- lumilinang sa paraan ng pagbigkas ng anumang salita.
1. Diin- Lakas o pagtaas ng tinig.
Halimbawa:
2. Tono- taas o baba ng tinig.
Halimbawa:
3. Antala- Saglit na paghinto upang mas lalong maintindihan ang sinasabi.
Ponema- makabuluhang yunit ng tunog
Ponemang Suprasegmental- lumilinang sa paraan ng pagbigkas ng anumang salita.
1. Diin- Lakas o pagtaas ng tinig.
Halimbawa:
2. Tono- taas o baba ng tinig.
Halimbawa:
3. Antala- Saglit na paghinto upang mas lalong maintindihan ang sinasabi.
Pangatnig
Pangatnig
Pangatnig-mga salita na nag-uugnay sa isang parirala,ideya,salita o grupo ng salita.
Dalawang uri ng pangatnig
1.. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
hal.
-Si jennica at Vivar ay parehong nakapasok sa RSPC.
2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.
(kung, kapag, pag)
Halimbawa:
-Ang Umalohokan ay maaari ulit manalo kung mas gagalingan pa ng mga manunulat nito sa mga susunod na DSPC.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)